Ano Ang Pagkakaiba At Pagkakatulad Ng Monologo At Diyalogo
MONOLOGO AT DIYALOGO – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang mga pagkakaiba at pagkakatulad ng monologo at diyalogo.
Ang diyalogo ay isang pag-uusap o pagpapalitan ng mga salita ng dalawang tao, hango sa salitang Griyego na “dia”. Ang isang pag-uusap sa telepono sa pagitan ng dalawang tao ay isang halimbawa nito.
Ang salitang “monologue o monologo” ay nagmula sa salitang Greek na “mono,” na nangangahulugang “isa” o “nag-iisa.” Ang isang monologo ay isang paglalarawan ng isang tao ng isang dayalogo sa pagitan ng dalawang tao.
Maaaring baguhin ng isang monologuer ang kanyang tinig o ekspresyon upang maipakita ang tauhang ipinapakita niya. Heto ang mga halimbawa:
Diyalogo sa pagitan ni Peter at Hector:
Peter: Natapos mo na ba ang proyekto sa Filipino, Hector?
Hector: Ano!? Mayroon tayong proyekto? Ngayon ko lang ito narinig!
Peter: Hindi ka kasi nakinig sa guro natin kaya ngayon mo lang ito nalaman. Sige lang Hector, tutulungan kita pagkatapos ng klase natin.
Hector: Salamat, kaibigan.
Halimbawa ng Monologo:
Ako nga pala si Basilio, Ina ko ay si Sisa. May kapatid po akong si Crispin. Mahal ko po sila. Mahirap lamangang buhay namin pero gusto ko lang naman, na makasama ang aking pamilya at magkaroon ng masaya at magandang buhay. Inay, wag ka mag-alala.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Ebolusyon Ng Tao – Kahulugan At Halimbawa Nito