Suliraning Panlipunan Sa Ibong Adarna – Kahulugan At Halimbawa Nito

Ano Ang Mga Suliraning Panlipunan Na Makikita Sa Ibong Adarna? (Sagot)

IBONG ADARNA – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang mga suliraning panlipunan na ating makikita sa kuwentong “Ibong Adarna”.

Ang mga suliraning panlipunan o isyung panlipunan ay mga problema na nangyayari ngayon sa mga lipunan o kung minsan, sa isang nasyon. Dahil ito ay nakikita natin palagi sa tunay na buhay, ang mga isyung ito ay nasasalamin sa mga kuwento katulad ng Ibong Adarna upang mabigyan ito ng pansin sa iba’t-ibang plataporma.

Suliraning Panlipunan Sa Ibong Adarna – Kahulugan At Halimbawa Nito

Sa kuwentong Ibong Adarna, makikita natin ang mga suliranin katulad ng:

  • Pagiging madaya sa kapwa at pamilya
  • Kainggitan
  • Pagtataksil
  • Diskriminasyon
  • Pagiging Makasarili

Pagiging madaya sa kapwa at pamilya – Si Don Pedro at Don Diego ay gumawa ng masama kay Don Juan para hindi mapapunta sa kanya ang karangalan dahil sa pagkuha nito sa Ibong Adarna.

Kainggitan – Dahil sa Kainggitan ng dalawang kuya kanilang binugbog si Don Juan upang mapasakanila ang karangalan ng hari.

Pagtataksil – Sa panahon ngayon, laganap ang pagtataksil. Sa klase, ang mga kaibigan mong akala mo ay totoo ay handa kang isantabi para sa personal nilang mga plano katulad laman ni Don Pedro at Don Diego.

Diskriminasyon – Sa kuwento, nasasalamin dito ang diskriminasyon sa ginawa ng kuya sa Ermitanyo. Akala nila wala itong silbi ngunit ito pala ang makakapagdala sa kanila kay Maria Blanca.

Pagiging Makasarili – Sa ibong Adarna, ang mga kuya ay kinuha ang ibon upang mapasakanila ang tagumpay.

Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.

BASAHIN DIN: Paano Maging Makabuluhan Ang Buhay? – Halimbawa At Kahulugan

Leave a Comment