Sagot Sa Tanong Na “Ano ANg Panambitan?”
PANAMBITAN – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang panambitan at ang mga halimbawa nito.
Ang isang panambitan ay matatawag natin na isang panalangin. Ito ay isang kahilingan na mula sa kalaliman ng ating mga sarili. Bukod dito, masasabi natin na ang isang panambitan ay panawagan o pamimighati.
Pero, ito rin ay isang gawang sining na maaari maging komposisyon, tula, o awit. Ngunit, hindi katulad ng ibang mga komposisyon, ang layunin nito ay ang maipahiwatig ang mga pamimighati ng komposer.
Heto ang isang halimbawa galing sa Sulyapsayaman.
Panambitan (Tula/Bikol)
Bakit kaya dito sa mundong ibabaw
Marami sa tao’y sa salapi silaw?
Kaya kung isa kang kapus-kapalaran,
Wala kang pag-asang makyat sa lipunan.
Mga mahihirap lalong nasasadlak,
Mga mayayaman lalong umuunlad,
Maykapangyarihan, hindi sumusulyap,
Mga utang-na-loob mula sa mahihirap.
Kung may mga taong sadyang nadarapa,
Sa halip na tulungan, tinutulak pa nga;
Buong lakas silang dinudusta-dusta
Upang itong hapdi’y lalong managana.
Nasaan, Diyos Ko, ang sinasabi Mo
Tao’y pantay-pantay sa balat ng mundo?
Kaming mga api ngayo’y naririto
Dinggin Mo, Poon ko, panambitang ito.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Bakit Nakakabuti Ang Nasyonalismo? – Halimbawa At Kahulugan