Sagot Sa Tanong Na “Ano Ang Entitlement Mentality?”
ENTITLEMENT MENTALITY – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang entitlement mentality at ang mga halimbawa nito na ating makikita.
Ang “entitlement mentality” ay ang paniniwala na ang bawat inaasahan ng tao ay isang karapatan na karapat-dapat sa kanya. Bukod dito, ang kawalan o kawalang-interes sa anumang bagay na nakamit ng indibidwal ay maaaring maiugnay sa “entitlement mentality,” na naniniwala na kung ano ang nakuha niya ay dapat bayaran at hindi siya dapat magpasalamat sa mga nagbigay nito sa kanya.
Ang isang malinaw na paglalarawan ng pag-iisip na ito ay ang kawalan ng pasasalamat ng mga bata sa pagsakripisyo ng kanilang mga magulang. Makikita natin ito sa pagtulak sa edukasyon ng kanilang anak o mga anak dahil naniniwala silang responsibilidad ng kanilang mga magulang na bigyan sila ng edukasyon.
Pero, para sa mga kabataang ito, hindi ito mahalaga at mas gusto nilang unahin ang labis na paglibang kesa unahin ang pag-aaral. Isa rin sa mga halimbawa nito ay makikita sa pandemya ngayon.
Ang isa pang halimbawa ay maraming tao ang hindi naniniwala na dapat purihin ang mga “frontliner” ng Covid – 19 na panahon ngayon dahil ito raw ay kanilang “obligasyon”.
Sa madaling salita, ang kawalan ng pasasalamat ay masasalamin sa entitlement mentality. Ito ang iniisip ng mga indibidwal na kailangang ibigay ang kaniyang mga karapatan kahit walang katumbas na gamapanin o tungkulin.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Bakit Kailangan Magpasalamat? – Kahulugan At Halimbawa