Institusyong Pananalapi Kahulugan At Halimbawa Nito

Ano Ang Institusyong Pananalapi At Ang Kahulugan Nito? (Sagot)

INSTITUSYONG PANANALAPI – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang institusyon panlalapi at ang kahulugan nito.

Ang mga institusyong panlalapi ay nagsisilbing tagapamagitan ng lahat ng uri ng transaksyon sa isang bansa na may kinalaman sa pera. Ito ay binubuo ng mga bangko at institusyon at mga hindi kasama sa bangkong institusyon.

Institusyong Pananalapi Kahulugan At Halimbawa Nito

Sila ay nagsasagawa ng mga responsibilidad ng pangkalahatang paglabas at pasok ng pera at lahat ng may kaugnayan sa pera. Maaari itong pribadong pagmamay-ari nang lokal o hawakan ng isang banyagang grupo.

Binubuo ito ng malalaking bangko na maaaring kumuha ng mga pampublikong deposito. Mayroon din itong kakayahang magbukas ng maraming sangay sa buong bansa.

Heto ang mga halimbawa:

  • Bangkong Komersyal (Commercial Banks)
    • CIMB, ING
  • Non-expanded commercial bank
    • Philippine Veterans Bank, Bank of Commerce
  • Expanded commercial bank – may mas malawak na gawain tulad ng pagpapairal ng mga credit card at pagpapautang na maaaring bayaran sa matagal na panahon
    • UCPB, RCBC, BPI
  • Bangko sa Pagtitipid (Thirft Banks) 
    • binubuo ito ng mga bangko na pangunahing layunin ay humikayat sa pag-iimpok at pagtitipid.

Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.

BASAHIN DIN: Kontribusyon Ng Politika – Halimbawa At Kahulugan Nito

Leave a Comment