Ano Ang Mga Pagkakatulad Ng Nobela At Maikling Kuwento? (Sagot)
NOBELA AT MAIKLING KUWENTO – Sa paksang ito, ating aalamin kung ano nga ba ang mga pagkakatulad ng nobela at maikling kuwento at ang mga halimbawa nito.
Sa unang tingin, mukhang malayo talaga ang isang nobela sa isang maikling kuwento. Una, ang mga maikling kuwento ay kadalasang mga alamat o mga kuwento na may simpleng payo sa huli.
Kaya naman, ang mga maikling kuwento ay naglalaman ng mga maikling sanaysay tungkol sa mga importanteng pangyayari. Kadalasan rin itong kathang isip at isinulat na may iisang pakay, ang maiabot ang mensahe ng tagasulat sa mambabasa.
Samantala, ang nobela naman ay makulay, puno ng buhay, tauhan, ga mangha-mangha pangyayari, at gumagamit ng makabuluhang mga salita na gumagamit ng panitikang tuluyan.
Ito’y binubuo ng mga yugto na naglalarawan sa mga kawing-kawing pangyayari ng mga tauhan na nasa nobela. Pero ano kaya ang mga pagkakatulad nito sa isang maikling kuwento?
Ang nobela at maikling kuwento, kahit maraming mga pagkakaiba ay nagbibigay ng aliw sa mga mambabasa. Ito rin ay nag-iiwan ng mga mahahalagang aral o impormasyo. Minsan, pareho itong pumupukaw sa mga damdamin ng madla.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Pagiging Kabalyero Ngayon – Paano Ito Ginagawa? (Sagot)