Bakit El Filibusterismo Ang Pamagat Ng Nobela Ni Dr. Jose Rizal? (Sagot)

Bakit El Filibusterismo Ang Pamagat Ng Nobela Ni Rizal?

BAKIT EL FILIBUSTERISMO – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung bakit nga ba “El Filibusterismo” Ang pamagat ng pangalawang nobela ni Rizal pagkatapos ng Noli Me Tangere.

Ano ba talaga dapat ang pamagat ng pangalawa nitong Nobela? Noli Me Tangere 2? Hindi naman siguro naaayon ito para sa gustong ipahiwatig na mensahe ni Rizal.

Totoo naman na ang El Fili ay ang Kuwento matapos ang mga kaganapan sa Noli. Pero, ang tema at ang naratibo ng kuwentong ito ay umiba na. Sa unang nobela na Noli Me Tangere o “Touch Me Not”, ating makikita ang mga sentimento ng pangaapi ng mga Kastila.

Bakit El Filibusterismo Ang Pamagat Ng Nobela Ni Dr. Jose Rizal? (Sagot)

Bukod dito, mas nagiging klaro ang “Touch Me Not” na pamagat kasi dito natin makikita ang pag-ayaw ng mga Pilipino sa karahasan ng mga mananakop at ang mga mapang-abuso.

Sa El Filibusterismo naman, dito sumabog ang mga damdamin ng tauhan sa unang libro, lalong-lalo na si Crisostomo Ibarra o mas kilala bilang si Simoun sa ikalawang nobela.

Ito’y tinawag na El Filibusterismo dahil ang librong ito ay nagbibigay ng naratibo sa mata ng mga Filibustero. Ang Filibusterismo sa simpleng salita, “Filibustero”, ay galing sa Espanyol na nangangahulugang “Roman Catholic”.

Sabi ng ibang mga iskolar, ito raw ang paraan ni Rizal upang mabigyan pugay ang pagka-martyr ng mga pareng deboto na sina Mariano Gomez, JoseApolonio Burgos and Jacinto Zamora o “GomBurZa”.

Sila’y mga Pilipino na marahas na pinatay dahil sa mga pang-aabuso at karahasan ng mga Kastila. Bukod dito, sila rin ay lumaban para sa mga karapatan ng ating mga kababayan.

Nasasalamin rin ito sa kuwento ni Rizal na El Filibusterismo sa mga sakripisyo ng mga tauhan para maipaglaban ang kanilang mga sarili sa mga mapang-abusong tao.

Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.

BASAHIN DIN: Mensahe Ng Ang Alaga – Gintong Aral At Iba Pang Kaalaman

Leave a Comment