Ano Ang Mga Dapat Isaalang-alang Sa Pagbibigay Ng Pamagat? (Sagot)
PAGBIBIGAY PAMAGAT – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano ang iba’t-ibang dapat isaalang-alang sa pagbibigay ng pamagat.
Ang pamagat ay isa sa pinakamahalagang bagay na dapat pag-isipan ng isang akda. Pero, paano nga ba ito ginagawa?
Para makagawa tayo ng pamagat gamit ng nabigay na teskto kailangan nating hanapin kung ano nga ba ang pangunahing paksa ng sulat. Bukod dito, kailangan rin nating malaman kung ano ang paksang diwa.

Kaya naman, kapag tayo’y nabigyan ng babasahin at tayo’y inatasan na bigyan ito ng pamagat, atin munang basahin ng kabuuan ang kwento. Dito lamang natin malalaman kung ano nga ba ang paksang nito.
Mahalaga rin ang tema ng sulat o kaya ang mga pangunahing tauhan sa kwento. Halimbawa, ang nobela ni Rizal na El Filibusterismo ay tungkol sa mga filibusterong lumaban sa mga pang-aabuso ng Kastila. Dito, ginamit ang tema at diwa para makagawa ng pamagat.
Para sa mga alamat naman at mito, mahalagang malaman kung saan nga ba umiikot ang kwento. Halimbawa, sa kwentong “Ibong Adarna”, tungkol sa mahiwagang ibong adarna ang kwento kaya madali itong gawing pamagat.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Bakit Mahalagang Sinusuri Ang Katangian Ng Isang Lider At Tagasunod?