Tawag Sa Kalidad Ng Tunog Ng Mga Tao, Hayop, At Instrumento? (Sagot)

Ano Ang Tawag Sa Mga Kalidad Ng Tunog Ng Tao, Hayop, At Instrumento? (Sagot)

KALIDAD NG TUNOG – Sa paksang ito ating tatalakayin kung ano nga ba ang tawag sa kalidad ng tunog ng mga tao, bagay, hayop at mga instrumento.

Lahat ng bagay sa mundo ay nagbibigay ng kani-kanilang mga tunog. Kahit pa hindi ito mga instrumento, may mga tunog talaga na ipinapalabas ang mga bagay. Halimbawa, ang pag kanta ng mga ibon, pag bukas ng lumang pirtahan, lahat ng mga ito ay may tunog.

Tawag Sa Kalidad Ng Tunog Ng Mga Tao, Hayop, At Instrumento? (Sagot)

Ang tawag dito ay “Timbre”. Ito ang naglalarawan sa kalidad ng tunog na nagdudulot ng pagkakaiba sa tinig ng mga bagay. Katulad lamang ng mga tao, hayop, at maging ang mga instrumento.

Ang tining ng mga mang-aawit ay nahahati sa apat. Para sa mga babae ito ang soprano at alto. Samantala, ang mga lalaki naman ay mayroong tenor at baho. Kapag soprano o tenor, sila ay may mataas at medyo matinis na tinig. Samantala, ang alto naman o baho ay mayroong kalaliman.

Makikita rin natin ito kahit pa sa mga hayop at instrumento. Kadalasang mga soprano ang mga maliliit na ibon. Pero, kapag nasa kagubatan na tayo, maraming ibon ang tunog baho, o may kalaliman na minsan ay dumadagundong.

Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.

BASAHIN DIN: Kahalagahan Ng Kwentong Mito – Halimbawa At Kahulugan

Leave a Comment