Ano Ang Kahalagahan Ng Kwentong Mito? (Sagot)
KWENTONG MITO – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang kahalagahan ng mga kwentong mito at ang mga halimbawa nito.
Ang mga kwentong mito, katulad lamang ng mga alamat at mga pabula ay mga halimbawa ng karunungang bayan. Ito ay mga kwentong naipasa sa atin ng ating mga ninuno simula pa noong unang panahon.
Dahil dito, ating tandaan na ang mga kwentong ito ay parte na ng ating kultura at kasaysayan. Kaya, dapat lamang na bigyan natin ito ng halaga. Heto pa ang ibang halimbawa kung bakit mahalaga ang mga kwentong mito:
- Ito ay isang uri ng literatura na naglalarawan sa mga kwento ng mga diyos at diyosa at iba pang makapangyarihang nilalang.
- Mas maunawaan at maintindihan ang ating kultura, tradisyon, alamat at relihiyon ng isang rehiyon ng ating bansa.
- Ang mitolohiya ay napapagana ang mayaman na imahinasyon at malikhaing pag-iisip nating mga Pilipino.
- Ito’y mahalagang parte ng ating kasaysayan na dapat nating pag-ingatan at bigyang halaga.
- Naging parte ang mga ito ng kasaysayan ng literatura ng Pilipinas.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Pinakamataas Na Pinuno Ng Kolonya – Kahulugan At Iba Pa