Sino Ang Pinakamataas Na Pinuno Ng Kolonya? (Sagot)
PINAKAMATAAS NA PINUNO – Sa paksang ito, ating aalamin kung sino nga ba ang Pinakamataas Na Pinuno Ng Kolonya.
Sa panahon ng pananakop ng kastila, maraming mga opisyales ang nabigyan ng mataas na ranko sa pamahalaan. Dati, ang mga prayle o mga miyembro ng simbahan ay nagkaroon ng malaking impluwensiya sa Pilipinas.
Kaya naman, karamihan sa mga ito ay nabigyan ng lupain na kanilang pamahalaaan. Ngunit, may mga taong direkta ring binigyan ng kapangyarihan galing mismo sa hari ng Espanya.
Ang mga ito ay tinawag na Gobernador-Heneral. Sila ang pinakamataas na pinuno sa isang kolonya. Bukod dito, ang Gobernador-Heneral ay ang pangkalahatang pinakamataas na ranggo o posisyong iniatas ng hari ng Espanya.
Bilang isang gobernador heneral, may mga tungkulin sila na pangalagaan at bigyan pansin ang mga pangangailangan ng kolonya para ma itaguyod ito sa pangalan ng Espanya. . Kabilang din sa mga tungkuling ginagampanan nito ang pagpapatupad ng mga batas, paghirang o pag-alis ng mga opisyal na kawani ng pamahalaan liban sa hari, tagapangasiwa ng mga tanggapan.
Maging ang pangalawang buwis, paghirang sa mga embassador sa silangan, at pagdeklara ng digmaan ay nasa ilalim ng mga responsibilidad ng mga gobernor heneral.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Paano Nakatutulong Ang Ponemang Suprasegmental Sa Tula? (Sagot)