Ano Ang Pagkakatulad Ng GNI At GDP? (Sagot)
GNI AT GDP – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang mga pagkakatulad ng GNI o Gross National Income at GDP o Gross Domestic Product.
Bilang mga residente ng ating bansa, kailangan nating malaman ang mga bagay-bagay tungkol sa ating economiya. Isa sa pinakamahalagang paksa dito ay ang ating GDP at GNI. Pero ano nga ba ang mga pagkakatulad nila?
Ang GNI at GDP ay mayroong pagkakatulad sapagkat sila’y sumusukat sa pambansang kita ng isang bansa. Bukod dito, magkatulad din itong naglalarwan sa kabuuang pampamilihang halaga ng mga produkto at serbisyo na makikita sa ating pambansang merkado.
Ang Gross National Income (GNI) ay ang dating Gross National Product. Ito ay naglalarawan sa tutal na pampamilihang halaga ng mga produkto at serbisyo na ng isang bansa. Sinusukat ito gamit ang salapi sa bawat kwarter sa loob ng isang tao na ginagamit ang halaga ng Dolyar bilang pamamantayan.
Ang Gross Domestic Product (GDP) naman ay sumusukat din sa pampamilihang halaga ng lahat ng produkto at serbisyo na ginawa sa loob ng isang takdang panahon. Makikita rin dito ang lahat ng mga salik na ginamit sa produksiyon upang mabuo ang produkto at serbisyo maging pagmamay-ari ng mga taga-ibang bansa o mga bagay na matatagpuan sa labas ng territoryo nito.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Paano Ka Makikiisa Sa Iyong Kapwa? – Halimbawa At Kahulugan Nito