Ano Ang Mga Hadlang Sa Kabutihang Panlahat? (Sagot)
KABUTIHANG PANLAHAT – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang mga halimbawa ng hadlang sa kabutihang panlahat at ang kahulugan nito.
Ang kabutihang panlahat ay mayroong tatlong elemento:
- Paggalang sa Pagkatao ng Bawat Isa
- Kagalingang panlipunan
- Pagpapanatili ng kapayapaan at kaligtasan
Ito ay mahalaga dahil hindi nawawala ang mga pagkakagulo sa ating lipunan dahil lamang sa hindi pagbigay ng respeto sa kapwa. Kaya naman, dapat tayong matutong magrespeto sa kabutihang panlahat.
Subalit marami rin ang mga posibleng hadlang sa pagkamit nito. Heto ang mga halimbawa:
- Ito ay ang pagiging sakim na nagreresulta ng kapahamakan sa kapwa.
- Ang korapsyon at kasakiman na nagpapahina sa tiwala ng mga tao sa ating pamahalaan. Ang anumalya ay ang panlalamang sa kapuwa at hindi pagsunod sa mga naaayon sa ating saligang batas.
- Hindi pag respeto sa indibidwalismo ng isang tao.
- Pagkakaiba ng pananaw ng ibang tao at pagkasara ng perspektibo na hindi naaayon sa sariling mga opinyon at ideya.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Kanang Kamay Denotasyon At Konotasyon – Halimbawa At Kahulugan