Share to Facebook Share to Twitter More...

Ano Ang Denotasyon At Konotasyon Ng “Kanang Kamay”? (Sagot)

KANANG KAMAY – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang denotasyon at konotasyon ng “kanang kamay” at ang mga halimbawa nito.

Maraming mga salita o kasabihan ang mayroong iba’t-ibang mga kahulugan. Dito pumapasok ang denotasyon at konotasyon na nagsasabi kung ano ang literal na kahulugan ng isang bagay at kung ano ang talinhagang kahulugan nito.

Kanang Kamay Denotasyon At Konotasyon – Halimbawa At Kahulugan

Isa sa mga tanyag na halimbawa ay ang “Kanang Kamay”. Ang Denotasyon o ang literal na kahulugan nito ay ang kabaliktaran ng ating kaliwang kamay. Sa Ingles, ito ay ang ating “right hand”.

Samantala, ang Konotasyon naman nito ay karaniwang naglalarawan sa mga sekretarya, katiwala o taong lubos na pinagkakatiwalaan ng isang tao. Ito ang tinatawag sa mga taong lubos na sumusuporta sa isang lider, boss, o pulitiko.

Heto ang mga halimbawa ng paggamit nito:

  • Si Senator Bong Go ay tinatawag ng karamihan na “Kanang Kamay” ni Pangulong Rodrigo Duterte.
  • Ang aking tiyuhin ang kanang kamay ng aming mahal na hari.
  • Bago kapaman maka punta sa hari, kailangan mo munang puntahan ang kanyang kanang kamay.

Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.

BASAHIN DIN: Kahalagahan Ng Lakbay Sanaysay – Halimbawa At Kahulugan

Share to Facebook Share to Twitter More...

comment(s) for this post "Kanang Kamay Denotasyon At Konotasyon – Halimbawa At Kahulugan". Tell us what you think abut this post by leaving your comments below.

{ 0 comments… add one }

Leave a Comment

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.