Ano Ang Mga Halimbawa Ng Ganap Na Pagpapahalagang Moral? (Sagot)
MORAL – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang mga halimbawa ng ganap na pagpapahalagang moral at ang kahulugan nito.
Ang mga moral ay ang panloob na katangian ng mga tao tungkol sa kanilang mga pananaw sa buhay. Ang mga pananaw na ito ay siyang nagiging basihan ng kanyang mga kilos at gawain.
Ang ganap na mga moral naman o “absolute moral values” sa Ingles, ay isa sa dalawang uri ng pagpapahalaga. Heto ang mga katangian ng ganap na pagpapahalaga:
- Ito ay aspetong galing sa labas ng tao dahil ang ganap na moral ay dapat nasusunod ng lahat.
- Tinatawag rin itong pangkalahatang katotohanan (universal truth) na tinatanggap ng tao bilang mabuti at mahalaga para sa lahat ng tao.
- Dahil ito ay pangkalahatang katotohan, ito ay masasbi nating etikal sa lahat ng aspeto.
- Nagbibigay ng halaga sa mga konsepto tulad ng pag-ibig o paggalang.
Alam naman natin na ang lahat ng tao ay may iba’t-ibang kultura at tradisyon na dapat respetuhin at bigyang halaga. Pero sa ganap na pagpapahalagang moral, hindi na tinitignan kung ano ang iyong paniniwala kasi ang napapaloob dito ay pangkalahatan na.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Pagkakaiba Ng Layunin At Paraan Ng Makataong Kilos – Halimbawa