Ano Ang Mga Hakbang Sa Pakikitungo? (Sagot)
HAKBANG SA PAKIKITUNGO – Sa paksang ito, ating aalamin kung ano nga ba ang mga hakbang at ang mga halimbawa nito.
Ang pakikitungo sa ating kapwa ay isa sa pinakamadaling paraan upang magkaroon ng magandang relasyon sa ibang tao. Lahat tayo ay may kani-kanilang mga katangian ngunit kapag nagkaroon tayo ng pakikitungo, mas madali nating ma lalampasan ang ating pagkakaiba.

Heto ang mga hakbang sa pakikitungo:
- Pagtulong
- Malaking bagay para sa karamihan sa mga tao ang pagtulong mo sa kanila, lalo na sa mga oras na talagang kaylangan ito. Hindi lamang utang na loob ang mararamdaman nila kundi pati na rin ang pakikitungo.
- Paggalang at pagrespeto
- Mahalaga na igalag at irespeto natin ang mga tao sa kanilang mga desisyon, relihiyon, paniniwala, at iba pa.
- Pagiging matapat sa kapuwa
- Hindi natin dapat lokohin ang ating kapwa. Bukod dito, ang pagiging matapat ay siya ring nag-bubunga ng katapatan galing sa iba.
- Huwag samatalahin
- huwag maging mapagsamantala sa kapuwa,laging maging tapat at totoo sa kanila sa lahat ng pagkakataon.
- Pakinggang ang kapuwa
- bigyan ng pagkakataon na sabihin ang kanilang mga saloobin bigyang kalayaan sa kanilang mga gustong ipahayag.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Halimbawa Ng Hanguan At Ang Mga Halimbawa Nito