Ano Ang Apat Na Dakilang Katotohanan Ng Buddhism? (Sagot)
DAKILANG KATOTOHANAN – Sa Buddhism, mayroong apat na katotohanang sinusunod ang mga namamalampalataya sa relihiyonh ito.
Maraming mga relihiyon ang ating makikita sa buong mundo. Lahat silay ay may kani-kanilang paniniwala. Pero, ang mahalaga ay ating respetuhin ang pagkakaiba ng mga kultura at at tradisyong ito.

Sa Buddismo, ang apat na katotohanan ay:
•Ang buhay at ang pagdurusa ay hindi mapaghiwalay – Sa ating buhay, marami tayong pagsubok na makikita at mararanasan. Kaya, sa Budismo, tinatanggap na nila ang katunayang ito.•
•Pagnanasa ang sanhi ng pagdurusa – Ang pagiging materyalistiko at ang pagnanasa ng labis ay ang sanhi ng pagdurusa ng maraming tao. Kaya naman, tinuturo ang pagiging kontento sa kung ano ang mayroon ka.
•Mawawala lamang ang pagdurusa kung aalisin ang pagnanasa – Ang tunay na pag alis sa mga pagnanasa ay magdudulot ng kasiyahan at pagtanggap sa mga tao.
•Maaalis lamang ang pagnanasa kung susunod sa walong landas at matatamo ang tunay na kaligayahan o Nirvana.
WALONG DAKILANG DAAN:
1.Tamang Pag-iisip
2.Tamang Aspirasyon
3.Tamang Pananaw
4.Tamang Intensiyon
5.Tamang Pagsasalita
6.Tamang Pagkilos
7.Tamang Hanapbuhay
8.Tamang Pagkaunawa
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Ano Ang Kwentong Banghay? – Kahulugan At Halimbawa