Ano Ang Isinisimbolo Ng Buwaya Sa Noli Me Tangere Kabanata 23? (Sagot)
BUWAYA – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang isinisimbolo ng buwaya sa Kabanata 23 ng nobelang Noli me Tangere.
Sa ating buhay, marami tayong makakasalubong na mga buwaya. Siyempre, ito lamang ay isang metapora para sa isang taong matakaw. Sabi ng karamihan, makikita raw ang mga taong ito sa gobyerno. Sila ang mga politikong mas inu-una ang sarili at ang pera nila kesa sa mga mamamayan.
![Isinisimbolo Ng Buwaya – Ano Ang Sumisimbolo Sa Buwaya?](https://philnews.ph/wp-content/uploads/2021/02/image-123.png)
Ang sumisimbolo sa buwaya sa kabanata 23 ng Noli Me tangere ay ang pagkasakim at ganid. Makikita natin ito sa mga karakter katulad ng mga abusadong Prayle na ginagawa ang lahat upang sila’y mapanatili sa isang makapangyarihang pwesto.
Sa modernong panahon, ginagamit pa rin natin ang buwaya para ilarawan ang mga taong matakaw. Ito’y magagamit sa anu-mang aspeto kahit sa mga laro katulad ng basketbol. Pero, kadalasan ito’y ginagamit para ilarawan ang mga matakaw na politiko.
Mayroon ring tinatawag na luha ng buwaya. Ito ay ang paglabas ng kalungkutan o simpatya para sa isang bagay pero hindi naman ito totoo o pakitang tao lamang.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Etika O Pagpapahalaga? Ano Ang Mas Mahalaga? (Sagot)