Pagsang-ayon At Pasalungat Halimbawa At Kahulugan

Ano Ang Mga Halimbawa Ng Pagsang-ayon At Pasalungat Na Mga Salita? (Sagot)

PAGSANG-AYON AT PASALUNGAT – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang mga halimbawa ng salitang pasang-ayon at pasalungat.

Ang mga salitang pasang-ayon at pasalungat ay nagbibigay ng kompermasyon na ika’y sumasang-ayon o hindi sa isang paksa, pahayag, o ideya. Mahalaga ito dahil nabibigyan ng klarong interpretasyon ang mga kasama mo sa komunikasyon.

Pagsang-ayon At Pasalungat Halimbawa At Kahulugan

Ang ilan sa mga hudyat na salita o pariralang ginagamit sa pagsang-ayon ay kabilang sa pang-abay ng panang- ayon gaya ng:

  •  bilib ako sa iyong sinabi na
  •  ganoon nga
  •  kaisa mo ako sa bahaging
  •  maasahan mo ako riyan
  •  iyan din ang palagay ko
  •  iyan ay nararapat 
  • sang-ayon ako
  •  sige
  •  lubos akong nananalig

Ang pasalungat naman na mga salita ang nangangahulugan na ika’y mayroong pagtanggi sa paksa, o ideyang inilalahad. Halimbawa:

  •   ayaw ko ang pahayag na…
  •   hindi ako naniniwala riyan..
  •   hindi ako sang-ayon dahil…
  •   tayo hindi magkasundo..
  •   hindi totoong..
  •   huwag kang…
  •   ikinalulungkot ko…
  •   maling-mali talaga ang iyong …
  •   sumasalungat ako sa…

Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.

BASAHIN DIN: Halimbawa Ng Wikang Kabataan – Ano Ang Wikang Kabataan? (Sagot)

Leave a Comment