Ano Ang Buod Ng Kwentong “Munting Pagsinta”? (Sagot)
MUNTING PAGSINTA – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang buod ng kwentong “Munting Pagsinta” at ang mga aral na ating makukuha.
Ang kwentong ito ay galing sa pelikulang Mongol: The Rise of Genghis Rhanni Sergei Bordrov. Isa itong pelikulang galing sa bansang Russia. Ito ay nagpapakita ng pagbabawi ng utang ng loob sa kapwa. Bukod dito, isinasalsay rin ang pagsunod sa mga magulang at pag tutupad ng pangako.
Heto ang buod ng kwento:
Humahanap ng mapapangasawa ng kanyang anak si Yesugei doon sa Tribong Meritupang. Kaya naman, ito atat na atat na umalis. Sa gitna ng kanilang paglalakbay, nakaramdam sila ng pagod at nagpahinga muna.
Habang sila’y nagpapahinga, ginalugad ni Temujin (anak ni Yesugei) ang paligid at nakakita ng isang dampa kung saan naninirahan ang daliginding na si Borte. Nabigla siya nang biglang bumagsak ang pinto ng kanilang kusina na likha ng aksidenteng pagkabuwal ni Temujin.
Noong una ay akala ni si Borte na sila’y mga magnanakaw. Subalit ay napahinaon siya ni Temujin. Nakinig na lamang si Borte sa kung ano ba talaga ang pakay ni Temujin.
Nais kong pakasalan ka Biglang sabi ni Temjin, “Dapat sana’y pupunta kami ni ama sa Tribong Merit upang makahanap ng mapapangasawa subalit nagbago ang isip ko nang makita kita”.
Dagdag pa nito na bata pa raw sila sa ngayon pero babalikan niya raw ito matapos ang limang taon at papakasalan para para sila’y magsasama habang buhay.
Pagkatapos noon ay ipinakilala ni Temujin si Borte sa ama niya. kahit na hindi iyon ang inaasahan ni Yesugei, wala na siyang magagawa kung siya na talaga ang pinili ni Temujin. Kaya naman, tinanggap na lang ni Yesugei ang desisyon ng anak niya at umasang magkakaroon ng masayang kinabukasan ang dalawa.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Bakit Mahalaga Ang Talaarawan? Halimbawa At Kahulugan