Paghahambing Sa Kabataan Noon At Kabataan Ngayon
KABATAAN NOON AT NGAYON – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang mga pagkakaiba at mga pagkakatulad ng mga kabataan sa sinaunang panahaon at ngayon.
Malaki ang pinagbago sa mga kabataan noon at sa modernong panahon. Kahit sa ating henerasyon, makikita mo ang malaking pag-angay ng teknolohiya at antas ng pamumuhay.
Kahit ika’y nasa edad na 20 pa lamang, ang mga nakababatan na nasa 10 o 15 na taong masbata sa yo’ ay malaki na ang pinagkaiba. Ito’y dahil sa modernisasyon at pag laganap ng teknolohiya.
Dati, ang mga kabataan ay naglalaro pa sa labas ng habulan, tago-taguan, chinese garter, at iba pang larong Pinoy. Pero, dahil sa teknolohiya, mas naaakit na ang mga kabataan sa panonood ng mga video sa YouTube at paglalaro ng mga games sa selpon.
Ngunit, ang pinagkaiba lamang dito ay ang paraan kung paano sila mag laro at mag libang. Nabigyan lamang ng bagong plataporma upang gawin ito. Sa ngayon, hindi mo na kailangang puntahan ang bahay ng kaibigan mong malayo upang kayo’y makapaglaro.
Sa ngayong panahon, maaari mo nang makalaro ang kaibigan mo sa pamamagitan ng internet at mga mobile/kompyuter games. Subalit, ang paglaganap ng teknolohiya at modernisasyon ay bumago rin sa mga ugali ng kabataan.
Dahan-dahang nawawala ang mga sinaunang tradisyon ng mga Pilipino katulad ng pagmamano sa mga nakakatanda, pakikinig sa mga magulang at iba pa. Ito’y dahil mas mahirap nang bantayan ang mga bagay na kinokonsuma ng mga kabataan lalo na sa sosyal medya.
May mga pagkakataong mabuti ito para sa kabataan o kaya’y nakakasama. Dahil dito, dapat talagang bantayan ang mga pinapanood ng mga kabataan.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Pagkakaiba Ng Tula Sa Ibang Akdang Pampanitikan Halimbawa