Ano Ang Mga Aral Na Makukuha Sa Tula Na “Bayani Ng Bukid”? (Sagot)
BAYANI NG BUKID – Sa paksang ito, ating pag-aaralan kung ano nga ba ang kahulugan at aral na makukuha natin sa tula na “Bayani Ng Bukid”.
Ang tulang ito ay isinulat ni Alehandrino Q. Perez. Ito’y naglalarawan sa mga magsasakang naging bayani ng ating bukid. Ngunit, hindi mga baril at espada ang gamit nilang mga sandata kundi mga araro habang sila’y lumalaban sa init at lamig.
Ipinapahiwatig ng tulang ito na ang ating mga magsasaka ay isa sa mga bayani ng ating bansa dahil sila’y walang tigil na kumakayad para sa kanilang pamilya at para matustusan ang mga pangangailangan ng iba.
Heto ang buong tula:
Ako’y magsasakang bayani ng bukid
Sandata’y araro matapang sa init
Hindi natatakot kahit na sa lamig
Sa buong maghapon gumagawang pilit.
Ang kaibigan ko ay si Kalakian
Laging nakahanda maging araw-araw
Sa pag-aararo at paglilinang
Upang maihanda ang lupang mayaman
Ang haring araw di pa sumisikat
Ako’y pupunta na sa napakalawak
Na aking bukiring laging nasa hagap
At tanging pag-asa ng taong masipag.
Sa aking lupain doon nagmumula
Lahat ng pagkain nitong ating bansa
Ang lahat ng tao, mayaman o dukha
Sila’y umaasa sa pawis ko’t gawa.
Sa aking paggawa ang tangi kong hangad
Ang aki’y dumami ng para sa lahat
Kapag ang balana’y may pagkaing tiyak
Umaasa akong puso’y nagagalak.
At pagmasdan ninyo ang aking bakuran
Inyong makikita ang mga halaman
Dito nagmumula masarap na gulay
Paunang pampalakas sa ating katawan.
Sa aming paligid namamalas pa rin
Ang alagang hayop katulad ng kambing
Baboy, manok, pato’y alay ay pagkain
Nagdudulot lakas sa sariling atin.
Ako’y gumagawa sa bawat panahon
Na sa aking puso ang taos na layon
Na sa bawat tao, ako’y makatulong
At nang maiwasan ang pagkakagutom.
Ako’y magsasakang bayani ng bukid
Sandata’y araro matapang sa init
Hindi natatakot kahit na sa lamig
Sa buong maghapon gumagawang pilit.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Kakayahang Komunikatibo Halimbawa At Kahulugan