Ano Ang Mga Gintong Aral Na Ating Makikita Sa “Dakila Ka Inay”?
DAKILA KA INAY – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang mga aral na ating makukuha sa tulang “Dakila ka Inay”.
Ang tulang Dakila ka Inay ay isang tula o pa-awit na tula na ginawa ni Rhodora Silva. Ito ay isang tula tungkol sa pagbibigay halaga sa ating mga ina. Heto ang tula:
Mula ng Isilang , At Magkamalay
Ikaw aking Inay ang aking gabay sa
landas ng buhay
Sa aking pagtulog, nagbabantay
Kapag Lumuluha ang mahal mong sanggol
Ikaw dumaramay
Pag may lamok bubugawin,
Masuyo mong hahaplusin
Sa lamig ng hangin sa buong magdamag
Akoy yayakapin
Ang yaman ay di kailangan
kung wala ka oh aking inay
Sa mundong ibabaw wala kang kapantay
Dakila Ka Inay
Ang isang asawa
mga kasintahan
Kay daling hanapin sa balat ng lupa
ay matatagpuan
Ngunit ang isang Ina pag pumanaw upang
makita mo
Upang makita moy ,
muli ka isilang
Dakila ka Inay kung sa akin,
uliran at dapat mahalin
Pag ikay nawalay sa aking piling
ano ang gagawin
Ang yaman ay di kailangan kung wala ka
o aking inay
Sa mundong ibabaw wala kang kapantay
Dakila Ka Inay
Sa mundong ibabaw wala kang kapantay
Sa tula, ipinapahiwatig ng manunulat na ang isang ina ay hindi maaaring palitan. Kagaya lamang ng sinabi na madaling makahanap ng asawa at mga kasintahan pero iisa lamang ang ating ina.
Makikita rin natin sa tula na ang isang ina ay siyang nagbibigay sa atin ng gabay sa landas ng ating buhay. Mula pagkabata, habang umiiyak, papunta na sa paglaki, ang ating ina ay Dakila pa rin.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Paano Umusbong Ang Globalisasyon? Sagot At Paliwanag