Paano Umusbong Ang Globalisasyon? Sagot At Paliwanag

Paano Umusbong Ang Globalisasyon? (Sagot)

GLOBALISASYON – Sa paksang ito, ating pag-aaralan kung paano nga ba umusbong ang globalisasyon at ang halimbawa nito.

Ang globalisasyon ay isa sa pinakamahalagang pangyayari na naganap at patuloy na nagaganap sa ating mundo. Dahil sa globalisasyon, mas napalapit ang mga malalayong bansa sa mga aspeto katulad ng pangangalakal, komunikasyon, at relasyon ng mga bansa.

Bukod sa mga produkto, naging mas madali rin ang pagsalin ng impormasyon. Kaya naman, mas pinabilis ang pag-unlad ng ibang mga bansa.

Paano Umusbong Ang Globalisasyon? Sagot At Paliwanag

Ito ay nagsimula noong 1869. Sa panahong ito, unang binuksan ang Suez Canal. Dahil dito, napalapit ang daanan ng mga barko na mula sa Europo at Asia. Sa pagbubukas ng canal, nagkaroon ng mas napabilis na paglabas-masok ang mga mangangalakal ng ibang bansa.

Kaya naman, umusbong ang paglilipat hindi lamang ng mga produkto, kundi pati na rin ang impormasyon at sistema ng komunikasyon. Karagdagan, ang mga Pilipino ay namulat sa kanilang karapatan.

Ang rason ay ang impluwensiyang liberal na kasama ng banyagang kaisipan. Ang mga pangyayaring ito ang nagbigay daan sa pagpalaganap ng globalisasyon.

Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.

BASAHIN DIN: Kahalagahan Ng Kultura Sa Kasalukuyang Panahon Halimbawa

Leave a Comment