Ano Ang Kahulugan Ng Pamantayan Ng Nilalaman At Mga Halimbawa Nito
PAMANTAYAN NG NILALAMAN – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang kahulugan ng pamantayan ng nilalaman at ang mga halimbawa nito.
Ang pamantayan ng nilalaman ay ginagamit upang tumugon sa tanong na: “Ano Ang Nais Malaman Ng Mag-Aaral”. Kaya naman, ang isang pamantayan ng nilalaman ay nagiging gabay sa posibleng mga aktibidad o gawain ng mga estudyante upang mapalawak ang kanyang mga nalalaman tungkol sa isang paksa.
Bukod dito, napapaloob rin sa pamantayan ng nilalaman ang posibleng gawain ng mga estudyante kasama ang proseso at kasanayan ng mga paksa. Karagdagan, ang pamantayang ito ay ginagamit upang malaman ang lebel ng pag-unawa na nabuo ng mga estudyante habang pinoproseso nila ang impormasyong nakuha sa pagtatalakay.
Heto ang halimbawa:
Nilalaman | Pamantayang Pangnilalaman | Pamantayan Sa Pagganap | Kasanayang Pampagkatuto |
Pagsusulat Ng Pananaliksik Pagpili ng Paksa Pagsulat ng tentatibong balangkas Pagbuo ng tentatibong bibliograpiya Pagbuo ng konseptong papel | Nakasunod sa pamantayan ng pagsusulat ng masinop na pananaliksik | Nakapagpapamalas ng kasanayan sa pananaliks sa Filipino batay sa kaalaman sa oryentasyon, layunnin, gamit, metoda, at etika ng pananaliksik | Nasusuri Ang ilang halimbawang Pananaliksik sa Filipino batay sa layunin, metoda, at etika Nabibigyang kahulugan ang mga konseptong kaugnay ng pananaliksik Naiisa-isa ang mga paraan o metoda ng tamang proseso sa pagsulat ng pananaliksik sa Filipino |
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Katangian Ng Mananaliksik – Halimbawa At kahulugan