Share to Facebook Share to Twitter More...

Ano Ang Mga Katangian Ng Isang Mananaliksik? (Sagot)

MANANALIKSIK – Sa paksang ito, ating pag-aaralan ang mga katangian ng isang magaling na mananaliksik at ang mga halimbawa nito.

Ang mga mananaliksik ay mayroong mahalagahang papel sa pag-papaunlad ng ating lipunan. Dahil sa mga mananaliksik, ang mga isyung panlipunan na kailangang ma solusyunan ay nabibigyan ng pokus at dahan-dahang nabibigyan ng aksyon.

Katangian Ng Mananaliksik – Halimbawa At kahulugan

Kaya naman, ang mga mananaliksig may mga mahahalagahan katangian silang dapat taglayin katulad ng pagiging:

  • Masipag
    • Kailangang maging masipag ang isang mananaliksik dahil hindi madali ang pagkuha ng datos at impormasyong kailangan sa pagsisiyasat. Bukod dito, maraming anggulo ang kailangang tignan ng mga mananaliksik para lamang sa isang problema.
  • Matiyaga
    • Sa paglaganap ng mga datos, maaring imungkahi sa mga tagapayo ang pagdaragdag sa naunang mga nakalap na datos.  
  • Maingat
    • Hindi dapat minamadali ang pananaliksik sapagkat kailangan na sapat at tama at may balidasyon ang mga datos, impormasyon, at resulta ng mga bagay na kanilang sinisiyasat.
  • Sistematik
    • Ang pagsasagawa ng pananaliksik ay may sunod-sunod na hakbang na dapat gawin upang masiguro na tama ang pagkagawa nito.
  • Kritikal At Mapanuri
    • Kailangang kritikal o mapanuri ang isang mananaliksik sa pag eksamin ng mga impormasyon, datos, ideya o opinyon.

Bukod dito, ang mga mananaliksik ay dapat ring sumunod sa etika. Kaya naman, ang pagsagawa ng plagyarismo sa mga datos, ideya, o resulta ng ipa pang mananaliksik ay hindi dapat gawin.

Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.

BASAHIN DIN: Pagkakaiba Ng Tanka At Haiku Halimbawa At Kahulugan

Share to Facebook Share to Twitter More...

comment(s) for this post "Katangian Ng Mananaliksik – Halimbawa At kahulugan". Tell us what you think abut this post by leaving your comments below.

{ 0 comments… add one }

Leave a Comment

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.