Heto Ang Halimbawa Ng Mga Analohiya At Kahulugan Nito
ANALOHIYA – Sa paksang ito, ating tatalakayin ang kahulugan ng salitang analohiya at ang mga halimbawa nito.
Ang isang analohiya ay ang paghahabing ng dalawang bagay at naglalayong magbigay ng paliwanag tungkol dito. Kadalasan, ang mga analohiya ay ginagamitan ng dalawang bagay na na magkaiba pero magkapareho depende sa konteksto at sitwasyon.
Heto ang mga halimbawa:
Kung may deboto ang mga simbahan, mayroon namang makabayan ang pamahalaan.
Ang Pilipinas ay isang relihiyosong bansa. Malaking parte ng mga residente nito ay Katoliko at karamihan sa mga katolikong ito ay tinatawag na mga deboto ng simbahan. Samantala, ang pamahalaan naman natin ay mayroong mga makabayan na gustong itaguyod ang kabutihan para sa bayan at sa lahat ng tao.
Pero, sinasabi rin na ang dalawang sangay ng lipunan na ito ay may kayang maghikayat ng mga bulag na tagasunod na hindi na pinag-iisipan kung ano ang tama o mali. Ito ang dahilan kung bakit natutulak ng relihiyon at pulitika ang mga mamamayan na ibuwis ang buhay nila sa ngalan ng bansa at relihiyon.
Kapag pinaliwanag mo ang isang joke, katulad lang yan ng paghiwa ng isang palaka. Mas maiintindihan mo ang joke, pero mamatay din ito, katulad lamang ng pagkihad ng palaka, maiintindihan mo kung paano nabubuhay ang palaka, pero mamatay rin ito.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Ano Ang Retorika? – Halimbawa At Kahulugan Nito