Halimbawa Ng Idyoma Tungkol Sa Buhay
IDYOMA – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang mga halimbawa ng idyoma tungkol sa buhay at ang kahulugan nito.
Noong tayo ay nasa elementarya pa lamang, isa sa mga paksang tinatalakay ng ating mga guro na nasa ilalim ng asignaturang Filipino ay ang idyoma. Ito ay isang matalinhagang pahayag tungkol sa isang ideya ngunit hindi tuwiring binibigay ang kahulugan nito.
Heto ang mga halimbawa ng idyoma tungkol sa buhay:
- Ang latang walang laman ay maingay.
- Sa ating buhay may mga tao tayong makikita o nakikilala na puro na lang satsat ng satsat at puro lamang panlabas ang inaatupag. Pero, ang realidad ay wala silang mga kanais-nais na katangian na maaaring ipakita.
- Pagkatapos ng bagyo ay sisikat din ang araw
- Ang buhay natin ay puno ng pagsubok. Pero, kapag atin itong haharapin ng buong tapang at lakas ng loob, matatapos din ito ay sisikat muli ang araw.
- Ang tahimik na ilog ay kadalasan ay malalim
- May mga tao tayong makikilala sa ating buhay na hindi masyadong nagpapakita ng kanyang saloobin. Kadalasan, ang mga taong ito ay may malalim na pinag-iisipan o kaya’y pinagdadaanan.
- Kapilas ng buhay
- Ito ay isang idyoma para sa isang asawa.
- Ang akala’y nakamura, namahalan pala
- Madali tayong masilaw sa mga bagay na kaya natin agad na bilhin. Pero, kung anong ating binabayaran, yan din ang ating makukuha.
- Pagsunog sa kilay
- Bilang isang estudyante, kailangan mong magsunog ng kilay o mag -aral ng mabuti upang maka kuha ng mas maraming oportunidad para makaahon sa buhay.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Pagkakatulad ng Haiku At Tanka – Kahulugan At Halimbawa