Ano Ang Mga Mahahalagang Ambag Ng Kabihasnang Mesapotamia? (Sagot)
MESAPOTAMIA – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang mga mahahalagang ambag ng kabihasnang Mesapotamia at ang mga halimbawa nito.
Ang kabihasnang Mesapotamia ay isa sa pinakaunang mga sibilisasyon sa ating mundo. Dahil dito, maraming teknolohiya at kaunlaran ang nanggaling sa kabihasnang ito. Heto ang mga halimbawa ng kanilang ambag sa kasaysayan:
Imbensyon sa gulong – Ang unang pagtuklas sa gulong ay mai-uugnay sa Mesapotamia. Noong 1922, nalaman ng Arkeologong si Sir Leonard Wooley ang mga sinaunang gamit na gulong sa “Ur”, isang lungsod na sakop ng Mesapotamia.
Cuneiform writing – Isa sa pinakamahalagang ambag ng Mesapotamia ay ang pag-gawa ng isa sa kauna-unahang sistema ng pagsusulat. Ito ay tinawag na Cuneiform.
Agrikultura at pag-aalaga ng hayop – Dati, ang mga tao ay kumukuha lamang ng pagkain galing sa mga hayop sa pamamagitan ng pangangaso. Subalit, dahil sa Mesapotamia, na tuklasan nila na mas madali na lamang na maging magsasaka at ang pag-aalaga ng hayop.
Konsepto ng isang Syudad – Malaking ambag ng kabihasnang Mesopotamia ang pagtayo at paglikha ng mga syudad o lungsod kung saan naitayo ang mga lungsod ng Eridu, Uruk, Ur, Kish, Nuzi, Nippur at Ngirsu
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Balanseng Ugnayan – Balanseng Ugnayan Sa pagitan Ng Mga bagay