Ano Ang Karapatang Makipagugnayan, Bakit Ito Mahalaga, At Mga Halimbawa Nito
KARAPATANG MAKIPAGUGNAYAN – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang karapatang makipagugnayan at ang mga halimbawa nito.
Kagaya lamang ng isang tao, ang isang pansa ay kailangan rin na makipag-ugnayan at makipag-kaibigan sa iba pang mga bansa. Ang layunin ng pakikipag-kaibigan na ito ay ang makamit ang pansanlibutang kalayaan, kapayapaan, katarungan, at kaunlaran.
Isinasaalang-alang din natin ang ating mga karapatan, karanganalan, at pambansang interes. Ito ang dahilan kung bakit tayo, bilang isang bansa ay mayroong mga batas na dapat sundin sa patakarang panlabas sa pakikipag-ugnayan.
Isang halimbawa ng Karapatang Makipagugnayan ay ang pagpapadala natin ng mga kinatawan o embahador sa iba’t-ibang bansa. Kapalit nito ay tumatanggap din ang Pilipinas ng mga taong ito galing sa mga dayuhan.
Ang mga embahador na ito ay nagbibigay ng mga mabubuting balita sapagkat sila ay nagtatrabaho para maka kuha ng mas mabuting relasyon ang gobyerno ng isang bansa sa ating gobyerno.
Isa sa mga dulot nito ay ang pagdami ng trabaho para sa mga OFW at maraming oportunidad upang makapagtrabaho o manirahan sa ibang mga bansa.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Kahulugan Ng New Normal – Halimbawa At Iba Pa!