Kahulugan Ng New Normal – Halimbawa At Iba Pa!

Ano Ang Kahulugan Ng New Normal? (Sagot)

NEW NORMAL – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang kahulugan ng New Normal at ang mga halimbawa nito na makikita sa ating lipunan.

Dahil sa pandemyang COVID-19, maraming pagbabago ang nangyari sa estado ng ating mga pamayanan. Masasabi na natin na ang mga tao sa mundo ay hindi na babalik sa dati nitong pamumuhay.

Kahulugan Ng New Normal – Halimbawa At Iba Pa!

Ang new normal ay ang pagbabagong kailangan nating sundin para tayo’y maging ligtas laban sa sakit na COVID-19. Dati, libre lang tayong maglakad sa mga pampublikong lugar. Ngayon, kailangan na nating magsuot ng facemask, faceshield, at bawal na ang paglapit sa ibang tao sa publiko. Heto ang pinakamalaking halimbawa ng pagbabago sa new normal.

Ating masasabi na ang new normal ay ang mga kaugalian at mga aksyon na dapat nating sundin o baguhin para mapanatili ang kaligtasan ng hindi lamang ang isang tao, kundi ng lahat.

Tinawag ito na “new normal” dahil ito na ang magiging regular natin na mga kaugalian na dapat sundin. Dati, hindi normal ang pagsuot ng mga face mask at face shield, ngayon, hindi ka na maaaring lumabas na wala ang mga ito. Sabi nga ng Department of Health:

Kahit matapos na ang pandemyang ito, huwag nating kalimutan ang mga leksyong natutunan natin. Mas mataas na ang kamalayang pangkalusugan natin dulot ng COVID-19. Itong panibagong kaugalian at pananaw sa kalusugan ang tinatawag nating New Normal.

Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.

BASAHIN DIN: Halimbawa Ng Halinghing – Kahulugan At Halimbawa Ng Gamit Nito

Leave a Comment