Heto Ang Mga Aral Na Ating Makukuha Sa Karunungang Bayan
KARUNUNGANG BAYAN – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang mga kahulugan ng karunungang bayan at ang mga aral na ating makukuha dito.
Ang mga karunungang bayan ay mga aral na naipapasa sa atin mula pa sa ating mga ninuno. Ito ay naipapasa mula henerasyon hanggang henerasyon.
Maraming halimbawa ng karunungang bayan na ating makikita pa rin hanggang ngayon. Halimbawa:
- Bugtong
- Salawikain
- Idyoma
- Kasabihan
- Palaisipan
Malawak ang sakop ng ating karunungang bayan. Kaya naman, malawak din ang sakop ng mga aral na gustong ibigay sa atin. Ang mga aralin na ito ay naka depende sa uri ng karunungang bayan at ang laman nito.
Kadalasan, ang mga karunungang bayan ay nagbibigay ng aralin tungkol sa tamang paraan ng pamumuhay. Ipinapakita dito kung ano ang dapat gawin at hindi dapat gawin upang mabuhay ng mapayapa at masaya.
Bukod dito, nagbibigay din ito ng mga tanong na mapapaisip ka o kaya’y makapag patalas ng iyong kritikal na pag-iisp.
Bago paman ang Pilipinas sinakop ng mga kastila, mayaman na tayo sa karunungang bayan kaya dapat itong bigyan ng halaga. Dahil ito ay parte na ng ating kultura.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Halimbawa Ng Karunungang Bayan: Kahulugan At Mga Halimbawa