Ilarawan Ang Pagbigkas O Pagsulat Ng Tula (Sagot)
PAGBIGKAS O PAGSULAT NG TULA – Sa paksang ito, ating pag-aaralan kung paano natin ilarawan ang pagbigkas o pagsulat ng isang tula.
Ating masasabi na ang pagbigkas o pagsulat ng isang tula ay isang uri ng sining na nagdadala ng emosyo ng isang tao. Ito’y nagbibigay sa atin ng isang naratibo tungkol sa mga karanasan ng tao, pangyayari, o ano mang mga isyu na gustong italakay.
Sa pamamagitan ng pakikibahagian ng kaisipan o ideya, ang pagbigkas o pagsulat ng tula ay nagbibigay ng panibagong pananaw sa mga manonood o mambabasa.
Atin ring tandaan na ang pagbigkas ng isang tula at ang emosyong dala nito ay nakasalalay sa tono ng tagapagbigkas. Samantala, ang emosyon naman na dala ng isang pasulat na tula ay ating makikita sa mga salitang ginagamit nito.
Ano man ang paraan ng paglalahad ng emosyon ng isang tula, ito pa rin ay isa sa mga likhang sining na dapat nating bigyang pansin at halaga. Ito rin ay parte ng ating karunungang bayan, kultura at tradisyon.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Bukal Sa Kanyang Loob Kahulugan At Halimbawa Nito