Sanhi Ng Crab Mentality – Paano Lumaganap Ito Sa Pilipinas?

Ano Ang Sanhi Ng Crab Mentality Sa Pilipinas? (Sagot)

CRAB MENTALITY – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang sanhi ng crab mentality sa Pilipinas at iba pang kaalaman tungkol dito.

Ang crab mentality ay ang pag-asam sa mga bagay na wala sa atin na malapit nang makuha ng ibang tao. Nagsimula ang kasabihang ito nang na diskubre ng isang tao na ang mga alimango sa isang balde ay pinipigilang maka alis ang kanilang mga kasama dahil sa kagustuhan din nilang maka alis.

Sanhi Ng Crab Mentality – Paano Lumaganap Ito Sa Pilipinas?

Ang crab mentality ay matagal ng nakikita sa Pilipinas simula pa noong sinakop tayo ng mga Kastila sa Pilipinas. Isa sa mga kaugalian ng mga Kastila ay ang hindi pag atras sa lahat ng bagay at ang pagiging palaban.

Kaya naman, noong unang panahon, ang mga Pilipino ay karaniwang humahanap ng paraan upang sila’y mamuhay ng walang kahirapan. Dahil dito, marami ang gumawa ng di kanais-nais na paninira, at pagyayabang, at pagsisinungaling upang maitaas ang kanilang sarili at mapababa ang kanilang kapwa.

Isa sa mga pangunahing sanhi ng crab mentality sa modernong panahon ay ang paglaganap ng sosyal medya. Dito, makikita ang labis pagka-inggit at pag-asam ng iba sa mga bagay na wala sa kanila.

Dahil dito, mas pinipili na lamang ng ibang tao na dalhin pababa ang iba sa kanilang lebel dahil sila’y na iingit sa mga narating ng iba. Imbis na sila’y magsikap para makuha ang kanilang gusto, sinisiraan na lamang nila ang mga taong nakuha na ito.

Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.

BASAHIN DIN: Tanka Tungkol Sa Pagsubok – Halimbawa Ng Payak Na Tanka

Leave a Comment