Uri Ng Kalayaan Halimbawa At Kahulugan Ng Mga Ito

Heto Ang Iba’t-Ibang Uri Ng Kalayaan At Ang Mga Halimbawa Nito

URI NG KALAYAAN – Sa paksang ito, ating tatalakayin ang iba’t-ibang uri ng kalayaan at ang mga halimbawa nito.

Ang kalayaan ay may maraming kahulugan depende sa konteksto nito. Ayon kay Santo Tomas de Aquino, ito ay ang katangian ng kilos loob na itakda ng tao ang kanyang kilos tungo sa kanyang maaaring hantungan at ang paraan upang makamit ito.

Ang kahulugan ng kanyang sinabi ay ang kalayaan ay ang kakayahan ng isang tao na gumamit ng kanyang kilos-loob upang mag desisyon sa isang partikular na bagay o kilos.

Uri Ng Kalayaan Halimbawa At Kahulugan Ng Mga Ito

May dalawang uri ng kalayaan:

1. Panloob na Kalayaan

Ayon pa rin obserbasyon ni Santo Tomas de Aquino, ang panloob na kalayaan ay nakasalalay sa kilos-loob ng tao.

Tinutukoy ng Panloob na Kalayaan ng kilos-loob ang:

  • Kalayaang gumusto (freedom of exercise) – ito ang kalayaang magnais o hindi magnais
  • Kalayaang tumukoy (freedom of specification) – ito naman ang kalayaan upang tukuyin kung alin ang nanaisin

2. Panlabas na Kalayaan

Hindi katulad ng panloob na kalayaan, ang Panlabas na kalayaan ay naiimpluwensiyahan ng mga panlabas na salik. Ito’y posibleng mabawas o maalis ng lubusan kapag ito’y na impluwensiyahan ng puwersa sa labas ng tao.

Isang halimbawa nito ay ang pagkakulong. Kapag nagawa ito, wala ng kalayaan ang isang tao at mawawala rin ang kanyang panlabas na kalayaan.

Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.

BASAHIN DIN: New Year’s Resolution Talata Halimbawa – Aking New Year’s Resolution

2 thoughts on “Uri Ng Kalayaan Halimbawa At Kahulugan Ng Mga Ito”

  1. Magturo pa po kau ng ibang texto dahil natuto din po ako marami po ko gusto malaman lalo n po sa mga salitang malalalim at kahulugan nito ndko po maintindihan khit ng highiskol pko.god bless po

    Reply

Leave a Comment