New Year’s Resolution Talata Halimbawa – Aking New Year’s Resolution

Heto Ang Halimbawa Ng Talata Tungkol Sa New Year’s Resolution

NEW YEAR’S RESOLUTION TALATA – Pagdating ng bagong taon, marami tayong bagay na gustong makamit para sa ating sarili. Heto ang tinatawag na New Year’s resolution.

Heto ang isang halimbawa ng talata tungkol dito:

New Year's Resolution Talata Halimbawa – Aking New Year's Resolution

Ang bagong taon ay panahon kung saan maraming indibidwal sa ating sanlibutan ay gumagawa ng kani-kanilang mga New Year’s Resolution. Ganunpaman, karamihan sa mga pangakong ito ay mahirap tuparin.

Para sa akin, ito ang unang beses kong gumawa ng sarili kong New Year’s Resolution. Ako’y umaasa at sumisikap na matupad ito ng lubusan. Dahil sa pandemyang COVID-19, maraming mga plano ang hindi natupad sa nagkalipas na taon.

Subalit, ito’y nagbigay sa akin ng oportunidad na mapag-isipan kung ano talaga ang gusto ko sa aking buhay. Kaya naman, isa sa mga New Year’s Resolution ko ang maging mas aktibo sa bahay at hahanap ng iba pang hobby para hindi lamang online classes ang aking iintindihin.

Titiyakin ko mananatiling malinis ang aking kuwarto. Pagkatapos, bilang isang estudyante, gagawin ko ang lahat para makakuha ng mataas na grado sa paaralan. Gagawin ko agad ang aking mga takdang-aralin o proyekto kahit ako’y nasa bahay lamang.

Ipinangangako ko sa awa at tulong ng Panginoong Diyos na tutuparin ko ang mga itinala kong mga New Year’s Resolution para lalong maging mabuting tao.

Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.

BASAHIN DIN: Hakbang Sa Mabuting Komunikasyon Halimbawa At Kahulugan

Leave a Comment