Heto Ang Mga Halimbawa Ng Pagkamakatao Na Ating Makikita Sa Pang Araw-Araw Na Buhay
PAGKAMAKATAO – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang ibig-sabihin ng pagkamakatao at ang mga halimbawa nito.
Sa ating pang araw-araw na buhay, makikita natin ang pagkamakatao. Subalit, hindi natin ito namamalayan dahil tayo’y masyadong abala sa ating sariling mga ginagawa.
Ang pagiging makatao ay ang pagpapakita ng iyong respeto at pagmamahal sa kapwa sa pamamagitan ng pag-galang sa kanilang pagkasarinlan at mga desisyon.
Heto ang sampung (10) halimbawa nito:
- Pinag-iisipan ang kapakanan at ang mga emosyon ng kapwa at hindi lamang ang sarili.
- Pagbigay respeto at pantay na pagtingin sa lahat ng uri ng indibidwal kahit anuman ang estado sa buhay at ang anyo nito.
- Hindi nagnhuhusga sa ibang tao sa kahit anong aspeto tao
- Hindi gumagawa ng paraan upang siraan ang reputasyon ng iba
- Pinag-iisipang mabuti kung ano ang katotohanan bago ito kumalat bilang tsismis.
- Hindi nang-aabuso ng kapwa tao
- Hindi kinaiinggitan ang tagumpay ng ibang tao
- Pagtulong sa kapwa hanggat kaya at hindi nanghihila pababa
- Paghingi ng tawad sa kapwa tao kapag nagkasala
- Hindi pagyayabang sa kapwa tao
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Mahalagang Sangkap Sa Nobela – Halimbawa At Kahulugan