Hyperbole Na Pahayag Halimbawa At Kahulugan Nito

Heto Ang Mga Halimbawa Ng Hyperbole Na Pahayag

HYPERBOLE NA PAHAYAG – Sa paskang ito, ating pag-aaralan kung ano nga ba ang isang hyperbole na pahayag at ang mga halimbawa nito.

Ang isang hyperbole ay tinatawag na “pagmamalabis” sa Tagalog. Ito ay nagdudulot ng nakakaaliw na pa karanasan para sa mambabasa dahil sa lubusang pagmamalabis sa isang ordinaryong pangyayari.

Hyperbole Na Pahayag Halimbawa At Kahulugan Nito

Kapag titignan o basahin natin ang isang hyperbole, malalaman natin kaagad na ito’y walang katotohanan. Bukod dito, madali lamang intindihin ang mga ito kahit na hindi literal ang kahulugan ng mga pahayag.

Heto ang mga halimbawa:

Umuusok ang ilong (galit) – Umuusok ang ilong ng nanay ko dahil hindi ko na ilabasa sa freezer ang karneng dapat uulamin.

Tumalon hanggang langit (Sobrang Saya) – Pag-uwi ni tatay na may dalang pizza, tumalon hanggang langit kaming magkakapatid.

Naghintay ng isandaang taon (sobrang tagal) – Ang tagal mong umalis sa banyo, sobra na sa isangdaang taon ang paghihintay ko sa ‘yo na lumabas.

Umuulan ng pera at mga pagkain (sobrang dami) – Pagdating ng disyembre, umuulan ng pera at pagkain para sa aming magpinsan dahil sa aming mga ninong at ninang.

Nahati ang puso (nakakaiyak) – Biglang nahati ang puso ko nang makita kong may kasama si Peter na ibang babae at magkahawak kamay pa!

Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.

BASAHIN DIN: Paano Nakakatulong Ang Sanaysay? – Halimbawa At Kahulugan

Leave a Comment