Sagot Sa Tanong Na “Bakit Mahalaga Ang Talata”?
TALATA – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung bakit nga ba mahalaga ang pagsusulat ng isang talata at ang mga halimbawa nito.
Sa Ingles, ang isang talata ay tinatawag na “Paragraph”. Ang isang talata ay mahalaga sa ano mang uri ng pagsusulat dahil ito ang bumubuo ng “body” o laman ng iyong sinusulat.
Gamit ang isang pangungusap, maipapakita mo ang isang ideya o opinyon mo. Pero, limitado lamang ito kapag hindi mo inilalagay ang mga ito sa isang talata. Ang isa sa pinakamahalagang layunin ng talata ay ang pag-uugnay ng dalawa o higit pang ideya.
Bukod dito, ang pagsusulat ng talata ay mahalaga rin para mismo sa sumusulat. Ang patuloy na pagsusulat nito ay nagsisilbing pagsasanay sa kung paano mo ilalahad ang iyong damdamin.
Ang talata ay napakahalaga dahil ito’y ating nagagamit sa pagsusulat ng isang storya, tula , sitwasyon at iba pa. Nagsasaayos ng pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari ang isang tatalata. Higit pa dito, lalong maiintindihan ng mambabasa kung ito ay nakaayos sa isang masistemang talata.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Nakalbo Ang Datu Aral – Gintong Aral Sa Kwentong “Nakalbo Ang Datu”
Wow this is good