Paano Nga Ba Nagkakaugnay Ang Isip At Kilos Loob? (Sagot)
ISIP AT KILOS LOOB – Sa paksang ito, ating aalamin kung paano nga ba nagkakaugnay ang mga isip ng tao at kilos loob sa katangian ng pagkatao.
Masasabi natin na nakaugnay ang isip at kilos-loob dahil ang ating kaisipan ang nagbibigay ng katwiran sa ating mga kilos. Ito ay ang pangunahing dahilan kung paano maipluwensyahan ang kilos-loob ng isang tao.
Dahil dito, ang ating kilos-loob ay umaasa sa ating kaisipan. Sa madaling salita, mula sa panghuhusga ng isip ay sumusunod na ang malayang pagnanais ng ating mga kilos-loob.
Pagktapos ng naganap na proseso sa pagitan ng pag-iisip at kilos loob ay ang aksyon na ating ginagawa. Sa huli, ito ang bumubuo sa katangian ng pagkatao ng isang indibidwal.
Ating tandaan na ang ugnayan ng isip at kilos-loob sa katangian ng pagkatao ng tao ay ang isip at kilos-loob. Ito ang pangunahing nag-iimpluwensya sa isang indibidwal na mabuo ang kanyang katangian.
Ang unang nangyayari ay ang ating pag-iisip, kasunod nito ay ang proseso sa pagitan ng pag-iisip at kilos-loob. Pagkatapos, atin nang makikita ang produkto nito na aksyon galing sa isang tao.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Damdamin Matapos Basahin Ang “Tulang Punongkahoy”