Heto Ang Mga Halimbawa Ng Slogan Tungkol Sa Kagandahang Asal
KAGANDAHANG ASAL – Sa pasksang ito, ating pag-aaralan kung ano nga ba ang mga halimbawa ng slogan tungkol sa mga mabuting asal at kahulugan nito.
Kahit ano man ang ating edad, ang pagkakaroon ng mabuting asal ay dapat nating tandaan at bigyang pansin. Ang katangiang ito ay nagbibigay ng positibong pananaw sa buhay at nagbibigay din ng positibong epekto sa ibang tao.
![Slogan Tungkol Sa Kagandahang Asal – Halimbawa At Kahulugan](https://philnews.ph/wp-content/uploads/2020/12/image-194.png)
Sabi nga nila makukuha mo lamang ang mga bagay na handa mong ibigay. Kaya naman, kapag ika’y bibigay ng kabutihang asal, iyon din ang babalik sa iyo. Heto ang mga halimbaw ng slogan tungkol dito:
Ang Magandang Asal Ay Di Dapat Limutin,
Kahit anong mangyari, dapat nariyan pa rin.
Ang paggawa ng mabuti hindi ikinakahiya
Ito’y nagbibigay sa atin ng lubos na biyaya
Kabutihang asal dapat tandaan,
Hindi ito dapat iwanan
Ating makukuha ang ating nabibigay,
Kaya mabuting asal ang ipakita sa kapitbahay
Mabuting asal, yan dapat ang ituro,
Sa paglaki ng bata, hindi ito mabibigo
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Paano Nagiging Malikhain Ang Wika? Halimbawa At Kahulugan