Sagot Sa Tanong Na “Ano Ang Bukang Liwayway At Kahulugan Nito?”
BUKANG LIWAYWAY – Sa paksang ito, ating tatalakayin ang kahulugan ng tinatawag na bukang liwayway at halimbawa ng paggamit nito sa pangungusap.
Dati, madalas nating nakikita at naririnig ang “bukang liwayway” sa mga palabas sa telebisyon. Kadalasan, ito’y naglalarawan ng isang pagbabago o pagbangon.
Bukod dito, ang bukang liwayway din ay nag sisilbing pagsisimula ng pagbabago o kaya’y oras ng paglalabanan, pag-asa, o paghihimagsik laban sa mga kontrabida o kalaban.
Para ating malaman ang totoong kahulugan ng Bukang Liwayway, dapat tignan muna natin ang dalawang salitang bumubuo nito – Buka at Liwayway.
Ang Buka ay naglalarawan sa pagbubukas o pagsisimula. Samantala, ang liwayway naman ay naglalarawan sa isang liwanag o ang pagdating ng madaling araw.
Dahil dito, kung ating pagsasamahin ang dalawang salita, ito’y nangangahulugang “Pagbubukas ng Liwanag” o “Pagsisimula ng Liwanag”.
Ang Bukang Liwayway ay tinatawag na idyoma na nangangahulugang paparating na ang pagbabago. Katulad lamang ng kung paano ang gabi natatapos sa umaga, ang ating mga problema ay matatapos at mga pagsubok ay matatapos din sa pagdating ng panibagong pag-asa.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Ano Ang Naratibo? Kahulugan At Ang Mga Halimbawa Nito