Relasyon Ng Wika At Kultura Kahulugan At Halimbawa

Ano Ang Relasyon Ng Wika At Kultura At Mga Halimbawa

WIKA AT KULTURA – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang relasyon ng wika at bakit nga ba ito nauugnay sa kultura.

Ang lahat ng lugar sa mundo ay mayroong pansariling kultura at tradisyon. Pero, sa bawat kultura na ito, ang wika ay masasabing pinakamahalagang aspeto ng komunidad.

Relasyon Ng Wika At Kultura Kahulugan At Halimbawa

Ito’y dahil ang kultura ay siya ring nakabatay sa kultura ng isang komunidad. Atin ring masasabi na ang wika ay siyang nagbibigay ng kasarinlan sa lahat ng mga kultura.

Alam naman nating lahat na ang kultura at tradisyon ay ang mga katangian at mga gawain na naipapasa ng henerasyon papunta sa bagong henerasyon. Subalit, hindi ito magagawa kapag wala ang wika.

Bukod dito, ang isang kultura ay hindi rin mabibigyan ng kasarinlan, diwa at saloobin kapag walang wika. Dahil ang wika ay ang pangunahing instrumento ng komunikasyon, ito ang nag-uugnay sa mga tao sa isang kultura.

Gayundin, ang wika ay nagsasalarawan at nagbibigay kahulugan sa mga kaisipan, saloobin, at damdamin ng isang kultura. Ito rin ang nagsisilbing instrumento ng pagpapahayag ng opinyon, ideya, pananaw at lohika. Kapag wala ang mga aspetong ito, hindi maaaring magkaroon ng isang kultura.

Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.

BASAHIN DIN: Epekto Ng Pandemya Sa Pamilya Halimbawa At Kahulugan

Leave a Comment