Ano Ang Epekto Ng Pandemya Sa Pamilya? (Sagot)

EPEKTO NG PANDEMYA – Dahil sa pandemyang COVID-19, maraming pamilya ang lubos na naapektuhan.

Sa simula ng pagkalat ng sakit na ito, nagpatupad ang gobyerno ng ilang lebel ng quarantine upang ma iwasan ang pagdami ng mga kaso ng COVID-19. Pero, ito’y naging dahilan ng pagkawala ng milyun-milyong trabaho.

Masakit man isipin, pero ito’y nagdulot ng maraming problema lalo na sa mga mahihirap na pamilya. Nagkaroon man ng SAP para ma tugunan ang konting pangangailangan ng pamilya, hindi pa rin ito naging sapat para sa karamihan.

Epekto Ng Pandemya Sa Pamilya Halimbawa At Kahulugan

Subalit, sa harap ng pandemya at quarantine, maraming pamilya ang mas napalapit sa isa’t-isa. Ito ang isa sa mga positibong epekto ng pandemya sa mga pamilya. Dahil sa quarantine, mas marami nang oras ang isa’t-isa para kilalanin ulit ang kanilang mga mahal sa buhay.

Sama-sama na sa hapagkainan ang buong pamilya at mas marami ng oras para sa “family bonding”. Ngunit, hindi naman lahat ng pamilya ay na bigyan ng prebiliheyo na gawin ito.

Malaking parte ng mga pamilya ng mga ordinaryong mangagawang pinoy ang nahirapan ng lubusan dahil sa pandemya. Dahil sa kawalan ng trabaho, maraming pamilya ang hindi na naka kain ng husto. Bukod dito, napilitan ang mga kabataan na humanap na lamang ng trabaho para may maitulong sa pagkain.

Kaya naman, kung kayo ay kasama sa mga na bigyan ng prebiliheyo na magkaroon ng positibong epekto ng quarantine at pandemya, dapat itong pasalamatan ng lubusan. Gayunpaman, dapat din nating tulungan ang mga pamilyang lubos na nahirapan dahil sa pandemya hanggat sa makakaya natin.

Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.

BASAHIN DIN: Slogan Tungkol Sa Online Class / Modular Learning

{ 0 comments… add one }

Leave a Comment