Tinig Ng Bagong Pilipino By Nenita Papa | Sabayang Pagbigkas
TINIG NG BAGONG PILIPINO – In this topic, we are going to know about one of the Sabayang Pagbigkas poems titled “Tinig ng Bagong Pilipino”.
A Sabayang Pagbigkas (roughly translates to Simultaneous Pronounciation in English) is a type of poem which, according to Jose Abad, is a congenial method of valuing the literature by means of having the choir speak in unison according to tone, strength or power. It is known in the English language as ‘Verse Choir’.
The poem we are going to read is one of the scripts that is used by performers in Verse Choir contests.
We are now going to read the poem Tinig Ng Bagong Pilipino made by Nenita Papa.
Full Text
Here is the full text of the poem, according to this website:
Impit yaong tinig, mahina, mariin
waring nanunuot
Sa damdami’t diwa, nitong aking pusong
pilit kumikirot,
Dahil sa siphayong tinamo sa madla
at sama ng loob
Nabigong pag-asang, kay tagal inasam
ay naghihimutok.
Iyan ay kahapon — tinig ng kahapong
nais ay buhayin
Sa isang pangarap, mailap sa awari’t
malayong marating
Nitong Pilipino, ang mga hangari’t
mga salamisim
Hayu’t lumilipad sa alapaap at
mga panainorin!
Ako’y Pilipino may diwang malaya’t
pusong naghahangad
Muling isinilang at muling nabuhay
sa isang pangarap
Nakapagtataka! Narito! Sumulpot
sa sangmaliwanag
Nagkulay luntian, nagpilit mabuhay
sa gitna ng hirap.
Ako! Ako na nga! Isang Pilipinong
kay hina ng tinig
Tinig ng kahapong, sa kalawaka’y
bahagyang marinig
Ngayo’y maligaya at halos isigaw
sa buong paligid
Ako’y Pilipino, Bagong Pilipino,
sa inyong pangmasid!
Itong pag-iisip, malusog, malaya
bukas at mayaman,
Yaring aking pusong busog sa pag-ibig
banal at dalisay
Tanging layunin ko’t mga pagsisiskap
dulo’y kaunlaran
Ang lahat ng ito, bayang minamahal,
aking iniaalay.
Lakas nitong bisig, lusog ng katawan
tibay ng damdamin
Aking kasangkapan sa muling paghawan
landas na madilim
Pagsisikapan ko’t ipinangangakong
muling pagyayamanin
Bundok na nahubdan, bukid na tiwangwang
pilit bubuhayin
Eto ako ngayon at muling nagising
biglang nagulantang
Matang nakapikit, aking idinilat
sa mga kamalian
Minsa’y naging hangal, bulag na sumunod
kaliwa o kanan
Ni hindi inisip kung saan hahantong
tinaluntong daan.
Sa harap ng salamin ako ay tumayo
at aking namalas,
Yaring kaanyuang, maganda at tindig
makisig, mabulas,
Larawang nakita’y labis na humanga
sa mukha’y nabakas
Ang pagmamalaki, ng bago mong anak,
Inang Pilipinas.
Bakas ng kahapon sa aking gunita
hangad ko’y ilibing
Dilim ng lumipas, sa bagong liwanag
pilit hahawiin
Sa Bagong Lipunan, ako’y namumuhay
walang alalahanin
Tahimik, payapa, masaya’t maunlad,
araw na darating.
Subalit, kaysaklap! Kung isang umaga
ako’y magigising
Ang aking larawang Bagong Pilipino’y
wala sa paningin
Sandaling tinangay, maputlang anino
sa dapyo ng hangin
Dahil paigbabaw, mga pagbabagong
guhit sa buhangin.
Kung magkakagayon, hindi mapigil
aking mga luha
Sa muling pagdaloy, habang mapipigil
aking mga luha
Sa muling pagdaloy, habang nakikita
ang pagdaralita
Ang pagkabusabos, isipang kolonyal
maling adhika
Di ko papayagang muling makapasok
sa puso at diwa.
Matibay na moog, lahing kayumanggi
kahapon at ngayon
Aking bubuuin, pilit itatayo
sa habang panahon
Di ko papayagang wasaki’t iguho
unos at daluyong
Sa lakas ko’t tibay, Bagong Pilipino
ito’y isang hamon.
Ngayo’y malakas, umaalingawngaw
yaong isang tinig
Di na isang bulong, parang nakikiamo
na siya’y marinig
Habang lumalakas, pilit umaabot
buong paligid
Nitong kalawakan, sa alinmang sulok
ng daigdig.
Waring nagsasabing ako’y ako pa rin,
di nagbabago,
Sa paglipas ng taon, di na magbabalik
yaong dating ako,
Bukas makalawa, ngayon at darating
matatagpuan mo,
Ako, kailanman, lahat ng panahon
Bagong Pilipino!
READ ALSO: Ang Watawat | Sabayang Pagbigkas