Pamana Ng Lahi By Patrocino V. Villafuerte| Sabayang Pagbigkas
PAMANA NG LAHI POEM – In this topic, we are going to know about one of the Sabayang Pagbigkas poems titled “Pamana ng Lahi”.
A Sabayang Pagbigkas (roughly translates to Simultaneous Pronounciation in English) is a type of poem which, according to Jose Abad, is a congenial method of valuing the literature by means of having the choir speak in unison according to tone, strength or power. It is known in the English language as ‘Verse Choir’.
The poem we are going to read is one of the scripts that is used by performers in Verse Choir contests.
Pamana Ng Lahi is written by Patrocino V. Villafuerte.
Full Text
Here is the full text of the poem, according to this website:
Di mo man sabihin, aking nababatid,
Ikaw’y naglalakbay sa Bagong Daigdig;
Paraisong dati’y hinanap, inibig,
Alaala na lang na di magbabalik
Sabay sa pagsikat ng Bagong Umaga,
Naglaho nang ganap ang pangungulila;
Hungkag na buhay mo’y mabigyan ng pag-asa,
Ang Bagong Lipunan, may handog na ligaya.
Ngunit ang lipuna’y hindi nagwawakas,
Sa mga pangako at mga pangarap;
Damdaming dakila at diwang matalas,
Siyang magbubukas sa malayang pugad.
Pag-unlad ng bansa’y may hatid-pangako,
Na ang kalinanga’y dapat na mabuo;
Kulturang pambansa’y di dapat isuko,
Hayaang magbunga’t mabusog sa puso.
Ngunit tila yata nalilimutan mo,
Mga kaugaliang buhay-Pilipino,
Ang lahat ng ito ay pagyamanin mo,
Ay nasyonalismo’y mapapasaiyo.
Ang pagkakaisa’y pagbabayanihan,
Nag-usbong sa diwa’t lahing makabayan,
Kung sasariwain at pagbabalikan,
Ang pagkakabuklod ay masisilayan.
Sa pistang-bayan masasaksihan mo,
May perya’t pabitin saka palo-sebo,
At ang santakrusan ay pinagdarayo.
Sa mga tahana’t pook na dakila,
Ang tanging biyaya’y moral na adhika;
Payo ng magulang ay banal na wika,
Sa mabuting anak ay buhay na nasa.
Ang lahat ng ito’y pamana ng lahi,
Gabay nitong bansa’t dangal nitong lipi;
Kaya’t magsikap ka, tuwa’y magbibinhi,
Ikaw’y Pilipinong dapat na maghari.
READ ALSO: Ang Aking Bandila Poem | Sabayang Pagbigkas