Kayganda ng Daigdig | Sabayang Pagbigkas
KAYGANDA NG DAIGDIG – In this topic, we are going to know about one of the Sabayang Pagbigkas poems titled “Kayganda ng Daigdig”.
A Sabayang Pagbigkas (roughly translates to Simultaneous Pronounciation in English) is a type of poem which, according to Jose Abad, is a congenial method of valuing the literature by means of having the choir speak in unison according to tone, strength or power. It is known in the English language as ‘Verse Choir’.
The poem we are going to read is one of the scripts that is used by performers in Verse Choir contests.
We are now going to read the poem Kayganda ng Daigdig, which roughly translates to “The World Is Beautiful”.
Full Text
Here is the full text of the poem, according to this website:
Kayraming bulaklak sa ating paligid
Sari-saring kulay, mabango’t marikit
Kayraming bituing nagsabog sa langit
Anong pagkaganda ng ating daigdig
Kayrami ng ibong nangaglipad-lipad
Ang kanilang awit, nagbibigay-galak
Kayrami ng isda sa ilog, sa dagat
Ang daigdig ay sadyang mapalad
Kayganda ng bundok, ng gulod, ng bulkan
Kayganda ng bukid, ng lambak, at parang;
Kayganda ng lawa, ng talon, ng bukal,
Ang ating daigdig ay puno ng kariktan
Ang daloy ng tubig sa sapa at batisan
Parang isang awit, kay-inam pakinggan
At pag-ihip nitong mahinhing amihan
Pati damo’t dahon ay nagsisisayaw
Itong Haring Araw na dulot ay liwanag
Ay napakaganda kung bagong sisikat
Maganda rin ito sa tanghaling tapat
Lalong matulain, paglubog sa dagat
Kayganda ng buwan kung nagbibilog na
Kung kabilugan na’y lalo pang maganda
Kayganda ng gabi, kaygandang umaga
Ating paligid anong pagkaganda
Ang hamog sa damo, may iwing kariktan
Kung nagkislap-kislap sa tama ng araw
Ang ulang tikatik, kaysarap pakinggan
Tila humihimig ng isang balitaw
Sa lahat at lahat ng mga kariktan
Sa ating paligid at ng kalikasan
Tayo’y pasalamat sa Poong Maykapal
Na siyang maylikha nitong daigdigan
READ ALSO: Pamana Ng Lahi By Patrocino V. Villafuerte | Sabayang Pagbigkas