Ano Ang Kalikasan Ng Agenda? (Sagot)
KALIKASAN NG AGENDA – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang kahulugan ng Kalikasan Ng Agenda at ang mga halimbawa nito.
Ang isang adyenda ay ang isang sistematikong pag talakay sa isang plano, o balangkas ng mga pag-uusapang isyu, o mga bagay-bagay na kailangang bigyan ng desisyon. Ito rin ay kronolohikal o ayon sa pagkakasunod-sunod batay sa halaga nito sa mga miyebmro.
Bukod dito, ang isang adyenda ay ginagamit din sa pagtukoy sa gawaing dapat bigyang pansin o pokus tulad ng mga isyung panlipunan. Mahalaga ito dahil:
- Katuturan at kaayusan ng daloy ng pulong
- Nalalaman din ang pag-uusapan at isyu.
- Nabibigyan ng pagkakataon tantyahin ang oras.
- Naiiwasan ang pagtalakay ng usaping wala sa adyenda.
Maaari rin itong maging pormal at di pormal. Sa isang di pormal na kalikasan ng agenda, ating makikita ang isang naka balangkas na impormasyon tungkol sa mga pag-uusapang isyu. Subalit, ito’y impormal dahil hindi ganun ka detalyado ang mga pinag-uusapan at mabilisan lamang ang pag gawa ng desisyon.
Samantala, sa isang pormal na kalikasan ng agenda, mayroon tayong introduksiyon, pagtala ng bilang dumala, pag presenta at pagtalakay ng agenda at pangwakas na salita.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Alamat Ng Palendag Buod At Gintong Aral Ng Kwento