Alamat Ng Palendag Buod At Gintong Aral Ng Kwento

Ano Ang Buod Ng Alamat Ng Palendag? (Sagot)

ALAMAT NG PALENDAG – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang buod ng kwentong “Alamat Ng Palendag” at ang gintong aral na makukuha dito.

Una sa lahat, atin munang pag-aaral kung ano nga ba ang isang palendag. Ayon sa kwento, ang isang palendag ay uri ng instrumentong ginagamit sa musika ng mga taga Magindanaw. Bukod dito, ang instrumentong ito ang gawa galing sa isang uri ng kawayang tinatawag na bakawayan ng mga katutubo.

Alamat Ng Palendag Buod At Gintong Aral Ng Kwento

Ang instrumentong ito ay galing sa salitang Magindanaw na “Lendag” na ang ibig sabihin ay “paghikbi”. Ayon sa alamat, may isang binatang umibig sa pinakamagandang dalaga sa pook.  Nagkakaisa ang kanilang damdamin, ngunit dahil sa ipinagbabawal ng tradisyong Magindanaw ang pagliligawan, ang kanilang pagmamahalan ay nanatiling lihim.  Lihim man ang pag-iibigan, waring walang hanggan ito.

Isang araw, tinawag ng datu ang binata.  Bilang isang kawal ng sultan, binigyan siya ng misyon sa isang malayong lugar.  Sa pamamagitan ng isang kaibigan, nagkita ang dalawa bago makaalis ang binata.  Nalungkot ang dalaga sa nalamang misyon ng lalaki.  Inaliw siyang aalalahanin at uuwi agad pagkatapos ng misyon.  Ipinangako rin niyang susulat nang madalas.

Sa unang ilang linggo, panay ang dating ng sulat na punung-puno ng pagmamahal at pag-aalaala.  Pagkatapos ng ilang buwan, dumalang ang dating ng sulat hanggang sa ito’y tuluyang nawala.

Isang araw, nabalitaan niya sa isang pinsan ang nakalulungkot na balitang ang binata ay ikinasal sa ibang babae, sa lugar ng kanyang misyon.

Lubhang nasaktan ang dalagang manghahabi.  Upang maitago ang kalungkutan sa mga magulang, maraming oras ang ginugugol niya sa kanyang habihan.  Parati siyang umiiyak nang tahimik.

Ang kanyang luha’y laging pumapatak sa kapirasong kawayang ginagamit sa paghabi.  Nagkabutas ang kawayan dahil sa laging pagpatak dito ng luha ng dalaga.  Isang araw, sa di sinasadyang pagkakataon, nahipan niya ito at lumabas ang isang matamis at malungkot na tunog.  Mula noon, inaliw niya ang sarili sa pagtugtog ng palendag, ang pangalang ibinigay sa kakaibang instrumentong pangmusika.

Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.

BASAHIN DIN: Kaugnayan Ng Salawikain Sa Kasalukuyan – Halimbawa

1 thought on “Alamat Ng Palendag Buod At Gintong Aral Ng Kwento”

Leave a Comment