Bakit Mahalaga Ang Komunikasyon Para Sa Isang Indibidwal? (Sagot)
KOMUNIKASYON – Sa paksang ito, ating aalamin kung bakit nga ba mahalaga ang komunikasyon para sa isang indibidwal.
Ang mga tao ay likas na sosyal. Kaya naman, ang komunikasyon, sa ano mang plataporma o uri ay mahalaga para sa lahat ng tao. Heto ang mga dahilan kung bakit.
Alam nating lahat na ang kominkasyon ang pangunahing instrumento ng paglilipat ng impormasyon sa iba. Atin ring dapat malaman na ang impormasyon ay isa sa pinakamahalagang bagay na ating makukuha sa kahit anong panahon.
Bukod dito, ang komunikasyon ay ating magagamit sa pagpapaunlad ng ating sariling antas ng buhay. Halimbawa, sa pamamagitan ng mahusay at maayos na pakikipag-usap at pakikisalamuha sa kapwa, mas lalo tayong nagkakaroon ng pagkakaintindihan at pagkakaunawaan.
Ang komunikasyon ay siya ring ginagamit upang mapag-usapan ng mga tao ang mga mahahalagang isyu na nagaganap sa lipunan. Ito rin ang ginagamit ng mga tao upang matugunan ang mga pang araw-araw nitong pangangailangan sa buhay.
Sabi nga nila, mas mataas ang pagkakataon na makukuha mo ang gusto mo kapag ika’y nagtanong. Pero, kung walang komunikasyong nangyayari, wala ka talagang pag-asa na makuha ang iyong gusto.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Bakit Mahalaga Ang Pagkilala At Pagpapahalaga Sa Dignidad Ng Tao